Ex-CFs na naligaw

Linis… linis para sa christmas.

Ang alam ko binyag ata ng anak ni Chep ngayon. Hindi naman ako invited… kay elvie ko lang nalaman kagabi… pero invited naman daw ako. Arte ko lang.

Sa kalagitnaan ng pagliligpit, around 3:30 to 4:00, eh basta bago mag-The Buzz dumating sila Elvie, Jerome, Aina at Rocky. (himala walang Neddy) Akala ko pa mga bibili ng net card.

“Tuloy (kayo), pwera amoy.” hahaha! eh di pa ko naliligo no!

Eh yun tumambay lang dito. Kumain ng unting inihain ni nanay. Tumingin ng magasin. Nagtsismisan. Siniraan si Ronnie. Pinagtanggol si Ronnie. Nagsira ng cellphone. Nainis ung nasiraan, pro wla namang siyang magawa. Namoblema ung nakasira dahil wala pa syang pera. Naki-internet ung isang PDA addict…at nag-post pa! Nanghiram ng math book yung isa, hindi naman pala dadalhin. (Sabi tuloy ni nanay, “oh eh bkit di nya dinala, akala ko kailangan nya, bihira na ung librong ganun”) Pupunta pa sana sa Marikina Riverbanks, di na natuloy kse di pa nagrereview ung isa. Umuwi sila ng mga 6:30 – 7:00.

(hanuvah, di ako sure sa mga time ah)

pics galore :: click pics to enlarge

pasalubong nila...thank you!

Salamat sa pasalubong ninyo. Pero parang familiar ah. Hhmmm….Ayun!!! Kapareho!!!

partner na sila

At itong si Vivangerz, nang makitang may kapareho nagbalak pang iuwi na yung mug! haha! Mas okay yun may kapartner na. Tenchu! Tenchu!

Family pic … without neddy… ay hindi, ayun pala, si Neddy the Pooh!!! Pansin nyo ba na problematic na si Aina at mejo upset si Rocky? At magulo ang kwarto ko? haha!

Mga naki-internet … si Elvie na PDA adik at Rome na di pa nagrereview.

Worried si Aina, nasira nya fone ni Rocky.

Shoulder kung shoulder!!!

Rocks: Ano ginawa mo sa fone ko?
Aina: Akin na, try ko ibalik. Eh ipapagawa ko na lang.
Elvie: (no comment sya, nakatingin sa fone pero si Ronnie pa rin ang iniisip. Wa Care!)
Rome: Tagal naman ng mga to…mag-rereview pa ko eh!

no large pic, contact elvie!!!

P.S.
Bakit nga pala nakalimutan kong magpapicture kasama sila???

P.S. 2
Nagtxt si neddy nung gabi, hahabol daw sya… wag na!!!

P.S. 3 (get it? playstation 3?)
Hirap daw makabili nito sa Amerika ah, ung mga tao pumipila na ng madaling araw para lang makabili sa mga stores. Sa new version ng Playstation… sa PS 3, ang greatest challenge daw ng mga gamers ay hindi sa paglalaro kundi ang paghahanap mismo ng PS 3!

One Response to “Ex-CFs na naligaw”

  1. ayuz.kelan 2?! hehe. miss ko na kayo. merry christmas lola!

Discussion Area - Leave a Comment