nang magalit si shaui

kgabi pa ko badtrip…

una, sa so-called “god” daw. my gulay! magaling ka nga, matalino ka nga, di ka naman marunong makisama…di ka marunong magsabi ng totoo…at tulad ng dati, wala ka pa ring pinagbago. minsan na kong pinaasa ng taong ito … kala ko nagbago na, di pa rin pala, tanga ko kse…umasa pa. PERO sana sinabi nya ng maaga. pinatagal pa ng pinatagal! hala! galit galit na … hindi ka “god” para sa kin.

pangalawa, tong prof na to … nagmamagaling … di naman! kala ko si “time-li-nes” na pumalit sa kanya, di pa rin pala. sya pa rin ang hari! biruin mo pinagtatawanan ang mga maling sagot ng estudyante nya…sa harap p mismo ng klase nya. ang yabang sa mga hindi nakakasunod sa mga lesson nya … eh sir, try mo kayang bagalan ang pagtuturo mo…AT magtagalog ka na lang!!! nakakairita eh! etong prof na to…kahit kelan, di ko maisip na bigyang galang!

dpat last exam ko na today….absent nman si ms.ruth…badtrip…puyat pa ko pag-aaral. haha…win-win situation pala un. oh well….

eto na … nairita ako knina sa skul….y, as always, nangulit n nman ung ilan sa “boys”… first, pati ba nman pagpriprint ng CWA nya proproblemahin ko pa. naman! second, ayan na nga ang tanong, ibibigay ko na sa kanya kung saang page makikita ung sagot…ayaw pa. gusto pa isusubo sa kanya eh. ano ka, anak ko? ako…nagpapakopya ko kung alam ko..tutulong ako kung kaya ko…PERO WAG NYO NMAN AKONG ABUSUHIN! eh di nakita nyo rin kung paano ako magalit….walkout ang beauty ko! may iba rin akong iniintindi no…

pero ok n ako…napuno lang tlga.

ako di lang ako ang nabadtrip today…haha..si rio…hayblad n nman!

meron pang isa…sa chat naman….ma-ere din tong lalaking ito eh! sbi ko na wag ng pansinin eh.

ang maganda lang atang nangyari ngayon eh….nang makita ko si Anacta-bebeh sa Video city. :p Congrats sa baby men, nakakabuo ka rin pala! at si jonath, nanganak n b?

😆

Discussion Area - Leave a Comment