Slippers’ Tale
Ang kwento sa likod ng tsinelas na ito ni Franco.
Scene 1. Marquinton. Feb. 14 Tuesday
Sa tyangge…kung saan nakapatong at nakadisplay sa isang mesa ang mga sapatos, step-ins, tsinelas…pangbabae at pangbata.So imagine, kung maraming customer…kahit sino pwedeng kumuha ng naka-display at isukat na agad.
May nagustuhang step-in si nanay. Out of stock ang small sizes. Nag-order. Balikan na lang daw the next day sabi ng nag-iisang bantay/tindera.
Scene 2. Marquinton. Feb 15 Wednesday
Bumalik kami ni nanay. Wala pa ring stock. Nag-iwan na lang kami ng contact number.
Scene 3. Bahay. Feb 16 Thursday
Tumawag na yung tindera at may stock na raw.
Scene 4. Bahay. Feb 17 Friday
Hinatid sa bahay si Franco para sa kanyang weekly sleepover. Then isinama ni nanay si Franco sa Marquinton para bilin ung order nya.
Scene 5. Marquinton.
………………………………….
Scene 6. Bahay.
Nakita ko si Franco sitting at the edge of nanay’s bed…watching cartoons…kukuyakuyakoy. Pagkakita sa akin…
Franco (proud na proud): Ta Sharon oh…bago slippers ko oh. Ganda.
Shaui: Avah, oo nga, mickey mouse ah!
Since nakita ko na ung slippers from the tyangge before…I thought binili ni Nanay.
Scene 7. Bahay. Feb 18 Saturday
Nang makauwi na si Franco sa kanila, tumawag si Ate Sharlene dito sa bahay.
Lene: Sha, naiwan ba jan ung lumang tsinelas ni Franco?
Shaui: eh kung wala jan, eh di malamang….nasa baba siguro.
(makalipas ang ilang linggo)
Scene 8. Bahay. March 4. Saturday.
Hinatid nila Ate Sharlene si Franco dito para sa sleepover nya. Habang busy sa paglalaro ng family computer si Franco at pinapanood sya ng lola nya. Lumapit si ate Sharlene.
Lene: Nay, asan nyo po nilagay ung lumang tsinelas ni Franco?
Nanay: Anong tsinelas?
Lene: Di ba binili nyo yan? (sabay turo sa tsinelas ni Franco)
Nanay: Aba’y hindi! Akala ko ikaw ang bumili nyan!
(at umeksena na ako, at nakiupo…at nakinig)
Nagtawanan na lang kami nila Ate at Nanay…dahil naisip na namin kung anong nangyari that day sa Marquinton.
Lene: ang kinukuwento ni Franco, pag tinatanong ko kung saan na yung tsinelas nya, ang sinasabi nya “Naiwan sa Marquinton”
Nanay: (talking to Franco) Franco…franco…saan mo kinuha ito? Kinuha mo ito sa Marquinton? Aba’y ninakaw mo ito? (pabiro, sabay yakap at halik kay Franco)
Habang tawa na lang kami ng tawa. At nakiusyoso na rin si Tatay at kuya Erwin.
Lene: tapos ang sinasabi p daw nya (referring to Franco) sa Lola Flor (kapitbhay nila) … “Hindi pa bayad ito eh”
Nanay:Oh eh maganda naman…marunong namang pumili ah. (laughs) At sakto pa ang sukat e.
Hala! Sige! Tawa! Habang si Franco ay concentrated sa paglalaro nya.
Nanay: (habang tumatawa) Aba’y balik tayo ha…balikan natin ung tsinelas mo ha…at bayaran ntin ito. Naku! Pambihira! Kaya pala, nung araw na yon nung pauwi n kami ang sabi nya sa akin “Lola oh, bago tsinelas ko oh”. Eh ako naman, “Ah oo nga no!” Eh di ko nman napansin ung suot nyang tsinelas bago kami nagpunta doon.
FLASHBACK:
Scene 5. Marquinton. Feb 17Habang super busy si nanay sa pagsusukat…maaaring si Franco ay gumaya sa lola nya at nagsukat sukat din ng mga tsinelas. Siguro ung tindera ay busy din sa pag-aasikaso sa nanay kaya di nya napansin si Franco. Nang maisukat ni Franco at paalis na sila ni nanay, siguro iniwan na nya ung lumang tsinelas nya doon.
On the way sa Jollibee.
Franco: Lola oh bago ang tsinelas ko oh
Nanay: (tiningnan ang tsinelas, sabay dedma) “Oo nga no!Sa tricycle pauwi.
Franco: Ganda ng slippers ko lola
Nanay: Ganda ah, sino bumili nyan?sabay dedma.
THE END.
My gulay! Franconini! Happy Birthday na lang sa Nanay mo!
:bdaysign:
Pibertdey Ate Sharlene!!!