kuwentong “Milenyo”

A three-day blog … dahil sa massive black-out na sanhi ni Milenyo. 😉
[09.27.06] Wednesday night, Charmaine (Baquir) and I extended our stay
in the laboratory. Nang may may nagsabi, “wala daw pasok bukas, sinuspend na, may bagyo sabi sa balita.” 35 to 45 minutes after 6pm, when we decided to go home. [tricycle driver #1004 — mabilis po ang karma!] Then, sabi sa news, after 11 years ngayon lang ulit sentrong tatama ang bagyo sa metro manila. At all-out prepare na ang MMDA sa pagliligpit ng mga billboard. Knowing the PAG-ASA’s announcements during the previous years … usually sablay naman sila eh. I even thought, so uulan, may konting baha at may konting kalakasan ang hangin.
[09.28.06] Thursday morning. [Probably, by this time 10:13am, wala ng kuryente] I was still in bed when I texted Charmaine that obviously, classes are suspended dahil naririnig ko na ang malakas na hagupit ng hangin sa labas. Then I decided to hibernate some more…but around 11:30am, pumasok na si ate sa kwarto ko, carrying Patrick, “Tita Sharon, ‘lika na, tanghali na, may cake kaming dala” … I remember replying, “Mamaya na, may bagyo pa eh!”
😆
I grabbed Patrick and tucked him in with me into my bed. Oh my gulay… walang kabuluhan! So picture taking… then lunch. Then umuwi na sila.
The storm lasted for about 3-4 hours (?). Even my own room suffered dahil kay Milenyo. After eating lunch, buti na lang, I checked my room to see kung umaapyas (or some say “umaangge”) ang tubig sa bintana. My gulay, it did! At basa na ang PC ko!!! Pinayungan ko ng di oras sa side ang PC ko, just to be sure. I couldn’t close the (bay)windows near my PC tightly … kaya basang-basa na ang part na iyon ng room ko. Then I remembered, minsan may tumutulo din sa ilalim ng aircon … susmaryosep, parang gripo na! Buti na lang naagapan din. So napuno ng basahan ang kwarto.
Nainis na ako ng lagay na yun, black-out na, umaapyas pa, may tulo pa! Pero naisip ko rin, kung ganito ang nangyayari sa akin or sa bahay namin, what more pa kaya sa iba???
Nag-review ako for an exam the next day until 5pm … when it’s too dark (for me) para magbasa. Feel ko kse may pasok na the next day … at feel ko rin magkakaroon na ng kuryente sa gabi, maybe around midnight…so natulog na ako para magising ng 12am!!! Hala! Nagising akong uber dilim ng paligid at uber quiet ng neighborhood. Wala pang ilaw!!! And good thing, wala pa ring pasok the next day daw. And since gising na gising ako sa kadiliman, nag-bonding na lang kmi ng Discman ko. How I wish nailipat ko na sa CD ang mga Spanish Lessons ko. *sigh* Eh heller, sa Spanish 1, 30 files/units of 30 minutes each. So kung ilalagay sa audio cd, 15 cds — 2 units each cd. May Spanish 2 at Spanish 3 pa — both with 30 units. So it doesn’t take a rocket scientist to figure out na I need 45 blank cd para sa audio cds, sayang ang datung pambili … eh wala naman akong portable mp3 player eh, anong magagawa ko!?! Oh well, rambling! Wala ng koneksyon kay Milenyo ang kwento.
[09.29.06] Pagkagising ko (yes, nakatulog pa ako ng lagay na yun!) ang taas na ng araw! Pero wala pa ring ilaw/kuryente!!! So parang balik oldies ang mga taga-metro manila. Walang kuryente, walang cellfone (no signal at low batt), walang internet, yung iba wala ring tubig. Nakakabagot!!! So pipol, kinaya nyo ba ang sitwasyon na iyon??? Meron pang tumawag sa radyo at nagrereklamo wala daw silang Cable. Utang na loob ah … kami nga walang tv dahil walang kuryente eh, cable pa!!! Tiisin mo na muna yang mga lower channels sa tv mo! Gamit na gamit ang kandila, baterya at mga transistor… pati baraha nailabas ko na. Dati kse sa computer na rin ako/tayo naglalaro ng Solitaire eh.
10:15 pm getting ready for bed na ako … si nanay at tatay tulog na … nang biglang nagka-ilaw! Napatalon ako sa tuwa, ginising ko pa sila nanay at tatay. Kulang na lang isigaw ko sa mga kapitbahay — na feeling ko ay mga tulog na rin.
So moral of the story, mag-charge ng cellfone, mag-charge ng rechargeable AA batts, mag-charge ng portable DVD at magpasalamat na hindi bubong nyo ang inilipad at walang nasaktan sa pamilya mo.
Had to share this too … may nagcomment sa radio, something like, pasalamat tayo dahil hagupit lang ng Mother Nature ang naranasan natin, hindi ang hagupit ng Diyos. Eh di ba, preho lang yun?!?!?! Kinorek pa nga sya ni Karen Davila … na ang Mother Nature ay ang Diyos din. Oh well … abangan natin ang pagdating (kung darating) si Neneng sa lunes.
Discussion Area - Leave a Comment