CBR.com emergency blog

I have blogs lined up… from christmas hanggang new year… hindi lang posted … lahat naka-draft kse di ko pa edited mga pics.

and one of those blogs ay update tungkol sa defunct CBR.com … since big-time na reaction ng iba, it’s time for an emergency blog (when all i intended to do tonite was to download julio iglesias songs for my nanay)

shortly after kong ipost yang controversial blog ko, I got a word from Powweb, na narecover nila ung buong site at pumayag silang itransfer ito sa isang powweb account (my brother’s). At they asked me to formally cancel and close the site. Originally ang gusto pa nila through phone … avah, tatawag pa ako dun? Di na oi! So by the 30th, cancelled na yung hosting ng CBR.com sa Powweb.

Ok na ako nun!

On that same day, I got a free hosting at byethost.com with 2 SQL database… and yup, that same day, na-set-up ko na yung fanlisting because I feel, anytime soon, may matatanggap na kong email/warning/reminder from FL.org dahil deadlink na.

So, as what i’ve said sa un-posted update blog ko …. wala na kong pakialam sa pagka-kansela ng kung ano mang site ang meron sa World Wide Web … basta ako na-recover ko na database ng fanlisting, forum at guestbook ng site noon ni Christian Bautista.

At kahit wlang nag-mouse up, talaga namang bubuksan ko ulit ang christianbautista.rocks.it …. for sentimental reasons na lang. Yeah, gagawing active ulit ang forum pero archived-mode n lang ung ibang parts…as if magpopost pa dun ung imfortant fifol di vah?!? Fanlisting will still be open, kahit wala ng mag-sign up ulit … will ask the other christian bautista sites na lang to link to it. Guestbook? archive n lng din malamang.

Malamang ako lang pupunta dun… hahaha… pati ung mga ibang CFs at ex-CFs na kilala ko …. yep! yep! yep! may mga ex-CFs na po.

So, abangan ang pagbabalik ng orig.

Ito lang pansin ko, sa 2 taong buhay itong site ko…. ngayon ko lang naranasan may mga nag-react ng ganyan sa blog ko… usually kse mga kamag-anak lang ang nagpupunta dito…kapag may new pics. Eh bkit biglang dumami?

Ang pagkakaalam ko, only my closest friends come here … nkikibasa lang. So feel ko kahit ano pwede kong ilagay dito .. dahil un ang nararamdaman ko that instant.

It’s my party blogsite and i’ll cry if write what i want to.

Pag nag-eemote naman ako dati, walang nagre-react ah! Eh kse puro walang katuturan nman pinaglalalagay ko dito, sayang lang kse ang bayad kaya kahit ano na lang.

So sa nag-iisip jan na gumagawa ako ng issue …. WALA PONG ISSUE. Nagdrama lang ako ng isang araw. Nagsenti. Tapos. Ewan ko ba kung bakit pa pinakalat at pinalaki eh. Siguro yung nagkalat HINDI ako kilala talaga…bka HINDI kami close. *ahem*ahem*

Sa mga kinauukulan, handa po akong magpaliwanag. Hindi ako nakikipag-away. Pero I will stand by what I said, because that is what i felt when i wrote that blog. Period.

Ipopost ko sana ang blow by blow explanation ko dito…pero bakit pa? Sa taong concerned na lang. Although I think dapat wag ng palalain pa. Matagal na naman akong walang koneksyon sa kanila. Email? Kaya lang oopen p ko ng yahoo mail? tamad!

Ayoko rin ng kontrobersiya… ayoko ng “moment” na publicized … gusto ko kung magmomoment ako sa harap lang ng mga friends ko…kasi sila lang naman nakakaintindi sa kin no?!?!

Para malinaw lang ah … sa akin kse ung “duh!!!” parang “duh! seryoso ka? para ka namang tanga. umayos ka nga?” thus it was a joke when i said pass to all CFs. oh well…my fault!!! isa pa, hindi ko nilagyan ng “apo” & “only” as in “pass this to my apong CFs ONLY” . again, my fault! bobita!!!

Move on po ba wika nyo? Tagal na kong nakapag-move on. 🙂 Ang sa akin lang, nag-emote ako dat moment … so nagpakasenti to the max na ako. Masama bang mag-reminisce at mag-inarte?

Kawalan ba ako, hindi naman … di po ba mga readers? ALAM KO YUN, NOON PA.

Sa mga nagcomment, nagtxt, nag-email at sumugod sa bahay….itong masasabi ko (choose the msg that applies to you)
1. salamat
2. buhay ka pa pala, buti nagparamdam ka
3. hu u?
4. tumaba ka ah?
5. nagda-diet ka ba?
6. CF k p rin?
7. balik CF k n?
8. ngayon? busy ako!
9. di nga?
10. kasalanan mo pala eh!
11. cge sali ka dun sa rocks.it
12. ah talaga, katuwa naman
13. cge gudlak!
14. enjoy!
15. i-YM mo nman ako minsan.
16. cute pic mo sa friendster ah.
17. kilala mo ba si Dennis Trillo?
18. salamat talaga at bili ka ng new album ni ian.
19. balik kayo, kapag hindi na tungkol kay ian ang blog ko ha.
20. ___________________ (others)

HAPPY NEW YEAR!!!! AKALA KO SWERTE ANG MGA PINANGANAK SA YEAR OF THE HORSE???? BUT STILL, HAPPY NEW YEAR!!!

p.s. gusto mo ba ng password ng infamous CBR blog??? YM at siopao lang!

p.s. wala naman akong natanggap ng invitation to meet up ah? promise. so paanong ayaw kong makipagkita?

p.s. paanong hindi makuha ng fl db? eh pagpasok mo sa control panel using the username/password nandoon lahat yun ah.

p.s. all caps! nax. keber niya. keber nila. keber mo. keber ko. keber nating lahat.

p.s. “dapat ako na lang ang ginawan mo ng site eh” – wi –>>> eh

p.s. disabled muna comments, balik na lang kayo after 5 days pag gumagana na comments form at kapag kalmado at hindi na tayo nag-iinarte LAHAT! [duh!]

Comments are closed.