“Unang Ngiti”
“Anong mararamdaman mo?”
Isang araw … parang pinagsakluban ng langit at lupa ang isang kakilala mo … hindi namamansin … may topak … may sumpong … parang malalim ang problema … halos mawasak ang lahat ng hawakan dahil sa inis o galit o asar … dedma lahat ng tao … parang sya lang ang tao sa lugar na kinatatayuan ninyo … kapag kinakausap ng iba, isang tanong, isang sagot at parang masama pa sa loob nya ang pagsagot sa tanong nila … tinatanong ng iba kung ano problema, pero wala talaga sa wisyo … hindi ito ang taong kilala ko! Tapos naglakas ka ng loob na kausapin … biruin ng unti … pagkarinig nya sa sinabi mo at pagtingin nya sa yo … hayeep! ngumiti!!! Natuwa sa pakiyeme mong lambing para mawala ang sumpong nya! Anong mararamdaman mo? Sarap no? Ikaw ang nagdulot ng unang ngiti sa napakapangit na araw nya!
walang halong malisya pero nakakatuwang isipin na nakakapagdulot ka ng konting ngiti sa ibang tao…kahit iniisip mong walang kwenta ang buhay mo. ang babaw no? 🙂
oh well … smile, though your heart is breaking…. smile pare!
hala, kala ko si ms.m lng!hahaha!batet di napag-usapan to k****i?ooops! hihihi!haaay..buti p kayo may boylet…haha!may ganun?!
your gulay shaui! ako eto ha. langya ka, nagpaalam ka ba sa kin na ibabalandra mo sa internet ang kwento ng buhay ko? may bayad ito neng! saka paanong di ako mapapangiti, eh ang kulit mo nang araw na iyon. niwei, solve na prob ko nun. see u next week men! *smile*