we’re not rockin’ anymore

tumahimik na ah. unless sumisimple pa yung iba. oh well … bagong linggo na tama na ang lumang issues.

“Lola Shaui” doesn’t exist anymore. Why? Panahon na eh.

random things that slapped me within the last 2 to 3 months:
1. sayang ang mga pagkakaibigang naudlot dahil sa maling akala.
2. para hindi sayang ang panahon at pagod, sabihin agad sa una pa lang ang gusto mo.
3. huwag matakot sa mga nag-aakalang makapangyarihan sila.
4. mahalin mo ang mga kaibigang kailan ma’y hindi ka iniwanan.
5. mag-ingat sa mga linta at plastik.
6. masuwerte ka at hindi mo naranasan ang mga paghihirap na dinaanan nila.
7. huwag magtitiwala ng basta-basta.
8. pamilya pa rin ang number 1.
9. huwag na huwag kang magpapa-api.
10. may mga salitang nakakasakit…eh ganun talaga eh, anong gusto mong sabihin ko? life is good at sucking nga minsan eh! as long as hindi mo ikinamatay, eh okay lang yan! tao lang tayo. may sinasaktan. may nagdudulot ng sakit. may minamaliit. may nagmamataas. may nadadapa. may bumabangon. may mawawala. may darating. may hihinto. may magsisimula. may iiyak. may tatawa. may sisikat. may lulubog. nasa ilalim ka ba ngayon? hamo bukas paiibabaw ka rin. karma is a bitch. hihintayin ko ang sa akin, hintayin mo ang sa iyo. KKL. kanya-kanyang laban tayo.

it’s a free freakin’ world!!! i am free. i own “me”. no one can force me into something i do not believe in. whatever i do with my life is my business. (but i promise i will try not to interfere with yours.) deal with it. 🙂

Discussion Area - Leave a Comment